^

Bansa

4 sa 10 bahay sa Catanduanes 'heavily damaged' sa bagyong Rolly

James Relativo - Philstar.com
4 sa 10 bahay sa Catanduanes 'heavily damaged' sa bagyong Rolly
Wasak at wala nang bubuong ang bahay na ito sa Pandan, Catanduanes matapos tamaan ng mapaminsalang bagyong "Rolly," ika-1 ng Nobyembre, 2020
Litrato mula sa Facebook page ng Pandan, Catanduanes local government unit

MANILA, Philippines — Matinding pagkawasak ng mga kabahayan ang iniwan ng noo'y Super Typhoon Rolly sa probinsya ng Catanduanes — pero nangangahulugan din 'yan ng bahagyang pagkawasak sa nalalabing mayorya ng mga kabahayan doon.

'Yan ang inilahad ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Mark Timbal sa panayam ng ANC, Lunes nang umaga.

"The description that I received was four out of 10 houses are heavily damaged,"

"[T]hat means [the remaining] six out of the 10 are partially damaged due to the storm."

Matatandaang umabot sa signal no. 5 ang nasabing bagyo sa Catanduanes, Albay at silangang Camarines Sur  at itinuturing na pinakamalakas na pagsama ng panahon na naitala sa buong mundo ngayong 2020.

Bagama't umabot ito sa Signal no. 4 sa Metro Manila, hindi gaano hinagupit ng bagyo ang sentrong rehiyon.

"Ongoing pa po ang damage assessment as well as the verification of the details of the fatalities, reported count in the meeting is 10," dagdag ni Timbal sa hiwalay na panayam sa mga reporter.

Isa pa lang ang sinasabing sugatan at wala nang nawawala.

Bagama't zero casualty sa Pandan, Catanduanes, umabot na sa 222 kabahayan ang sinasabing nawasak doon nitong Linggo.

"Sa pinakahuling datos, umabot sa 842 na pamilya o may kabuuang 3,456 na indibidwal ang lumikas para masigurado ang kaligtasan ng lahat," ayon sa mayor's office ng Pandan LGU.

"Made of light materials na mga bahay ang tinupok at sinira ng bagyo sa Pandan na aabot sa 222 na pamamahay."

Problema sa komunikasyon

Sa kaso ng Catanduanes, limitadong-limitado ngayon ang komunikasyon lalo na sa bayan ng Bato kung saan unang sumalpok ang bagyo sa lupa.

"Even the power posts as well as the communication towers have been severely damaged," patuloy pa ni Timbal.

"Our communications are very limited to satellite phones and radio communications only. That's why NDRRMC is deploying its rapid emergency telecommunications teams to Catanduanes to support the restoration efforts for communications."

BASAHAN: Team deployed to typhoon-hit Catanduanes to restore communication lines

Kagabi pa nang huling nakontak ng NDRRMC ang disaster managers sa nasabing probinsya. Sa ngayon, tinitipid nila nang husto ang power ng kani-kanilang devices lalo na't wala pa ring kuryente roon.

Umabot na sa mahigit 300,000 katao ang inililikas sa buong Region 5 (Bicol). Hindi pa naman tiyak kung ilan diyan ang galing sa Catanduanes sa ngayon.

vuukle comment

NDRRMC

ROLLY

SUPER TYPHOON

TROPICAL STORM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with