^

Bansa

Forced evacuation ikinasa kay ‘Rolly’

Joy Cantos, Angie dela Cruz, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Forced evacuation ikinasa kay �Rolly�
Ang mga residente sa Real, Quezon na lumilikas kahapon patungo sa evacuation center sa Tanauan Elementary School habang humahampas ang naglalakihang alon sa mga kabahayan malapit sa baybayin.
Ernie Peñaredondo

NDRRMC nasa red alert

MANILA, Philippines — Nagpatupad na ng preemptive, forced at mandatory evacuation ang mga lokal na opisyal habang isinailalim na rin sa red alert status ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaugnay ng pagtama ng bagyong Rolly sa malaking bahagi ng Luzon.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, ang pagsasailalim sa red alert status ay kasunod ng anunsiyo ng PAGASA na nanatili ang lakas ng bagyong Rolly na tumatahak patungo sa Bicol Region taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 215 kph at pagbugso na aabot sa 265 kph.

Sinabi ni Jalad na ang bagyong Rolly sa pagtaya ng weather bureau ay isa sa pinakamalakas na tatama sa bansa sa taong 2020 matapos ang super typhoon Yolanda noong Nobyembre 2013.

Bukod sa Bicol Region kabilang din sa isinailalim sa pinakamataas na alerto ang mga tanggapan ng Regional Office of Civil Defense (OCD) units sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal , Quezon) kung saan pinagsabihan ang mga residente na nasa floodprone at landslide prone areas na magsilikas.

Nakataas sa Signal number 3 ang Catanduanes, eastern portion ng Camarines Sur at Albay.

Signal number 2 sa Luzon sa Bulacan, Rizal, Metro Manila, Laguna, Cavite, Batangas, Quezon kasama na ang  Polillo Islands, Camarines Norte, nalalabing bahagi ng Camarines Sur, Sorsogon, Masbate kasama na ang  Ticao at Burias Islands, Marinduque, Romblon, Oriental Mindoro at Occidental Mindoro kasama na ang Lubang Island habang sa Visayas ay sa Northern Samar, northern portion ng Samar at northern portion ng Eastern Samar/

Signal number 1 sa  Pampanga, Bataan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Pangasinan, La Union,  southern portion ng  Ilocos Sur, Mountain Province, Benguet, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino, central at southern portions ng Isabela at Calamian Islands;

nalalabing bahagi ng Eastern Samar, nalalabing bahagi ng  Samar, northern portion ng Leyte at northwestern portion ng  Antique.

Tinatayang nasa mahigit 200,000 katao ang target ng preemptive, forced at mandatory evacuation partikular na sa Bicol Region dahil sa inaasahang magdudulot ng malawak at matinding pinsala sa mga tatamaan nitong lugar.

Sinabi ni Alexis Naz, spokesman ng Office of Civil Defense (OCD) Bicol Region na pinanatili nila ang red alert status na una ng itinaas sa bagyong Quinta.

Inaasahan namang malalagpasan pa ng bagyong Rolly ang mahigit 211,000 residente na nagsilikas kay Quinta.

Inihayag ni Naz na nakapokus ang evacuation operation sa Camarines Sur at Camarines Norte na mataas ang bilang ng populasyon.

Nagsimula pa nitong Biyernes ng hapon ang paglilikas sa Camarines Norte at Catanduanes kung saan hanggang nitong Sabado ay napilitan na ang mga pulis at sundalo na magpatupad ng ‘forced evacuations’ sa mga taong matitigas ang ulo na tumatangging lisanin ang kanilang mga tahanan na nasa high risk areas.

Samantala, mandatory evacuation naman ang ipinatupad sa mga coastal areas partikular na sa Catanduanes habang ang iba naman ay preemptive evacuation upang makaiwas sa posibleng panganib.

Sinimulan na ring imobilisa ang tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa mga lugar na hahagupitin at dadaanan ng bagyo.

vuukle comment

ROLLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with