^

Bansa

Mega task force target lang ang ‘big fish’ corrupt officials

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Mega task force target lang ang �big fish� corrupt officials
Sinabi ni Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar na ang mega task force core group ay bumubuo na ng mekanismo o paraan kung paano ang gagawing pag-imbestiga sa bawat ahensiya.
Philstar.com/file

MANILA, Philippines  — Tututukan ng binuong Mega Task Force na pinamumunuan ng Department of Justice (DOJ) ang mga katiwalian na kinasasangkutan ng mga matataas na opisyal ng gobyerno at alegasyong may mahigit isang bilyong pisong nakaw na pondo.

Sinabi ni Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar na  ang mega task force core group ay bumubuo na ng mekanismo o paraan kung paano ang gagawing pag-imbestiga sa bawat ahensiya.

Bubuo rin ng strike teams na nakatutok sa bawat ahensiya na isinasailalim sa imbestigasyon.

Magkakahiwalay na strike teams ang itatalaga upang sabay-sabay na maisagawa ang pag-iimbestiga

Aniya, ang task force din ang sasala sa mga tips o impormasyon, complaints at mga alegasyon ng katiwalian partikular sa “big fish” cases.

Una nang naglabas ng memorandum si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na nag-aatas sa DOJ na imbestigahan ang mga anomalya sa buong byu­rukrasya hanggang sa pagtatapos ng kaniyang termino sa 2022.

Umaasa ang Pa­ngulo na malalaking isda na ang mahuhuli na sangkot sa mga katiwalian.

vuukle comment

DOJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with