^

Bansa

Trike, 2 bahay inararo ng truck: 1 patay, 8 sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

GUMACA, Quezon , Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang 7-anyos na batang lalaki habang nasugatan ang walong iba pa kabilang ang isang sanggol­ makaraang araruhin ng isang 10-wheeler truck ang tricycle at dalawang bahay sa gilid ng Maharlika highway na sakop ng Brgy. Inaclagan, dito kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ay kinilalang si Luis Ariola, Grade 1 pupil at residente sa nabanggit na lugar samantalang ginagamot sa RAKKK Hospital ang mga nasugatan na nagkaka-edad ng isa hanggang 14.

Ayon sa ulat, bandang alas-4:30 ng hapon ay minamaneho ni Edmar Nocos, 29, ng Sta. Rosa City, Laguna ang isang 10-wheeler truck patungo sa Maynila nang mawalan ito ng kontrol sa manibela dahil sa madulas na kalye.

Tuluy-tuloy na binangga ng trak ang nakaparadang tricycle sa gilid ng kalsada at inararo pa ang dalawang bahay na nagkataong nasa loob ang mga paslit na biktima.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries and damage to pro­perties ang driver ng trak na nakapiit ngayon sa municipal jail.

vuukle comment

EDMAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with