^

Bansa

‘Walang patawad, areglo sa korap’- Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
�Walang patawad, areglo sa korap�- Duterte
Ayon sa Pangulo Rodrigo Roa Duterte, ka­tulad ng droga, walang dapat pinapaboran pagdating sa korapsiyon dahil galit siya sa mga nasabing isyu.
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papatawarin at hindi maaaring aregluhin ang mga kaso ng korapsiyon.

Ayon sa Pangulo, ka­tulad ng droga, walang dapat pinapaboran pagdating sa korapsiyon dahil galit siya sa mga nasabing isyu.

“I do not forgive cases sa mga corruption. Wala talaga. Walang areglo, wala lahat. No quarters given, no quarters asked. Kagaya rin sa droga, walang pabor-pabor dito. No question that I am really mad. Galit ako sa droga,” ani Duterte.

Bagaman at hindi nagbigay ng detalye, sinabi ng Pangulo na magla­lagay siya ng bagong “structure” para matiyak ang integridad ng mga proyekto.

“Iyang sa mga project sa baba, iyon ang laro diyan. So we might maybe place another structure there - structure to improve the integrity of the projects and pwede ninyong ma-report maski ano basta corruption and walang patawad,” ani Duterte.

Ginawa ni Duterte ang pahayag ilang araw matapos niyang sabihin na malala ang korapsiyong nangyayari sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ilang senador din ang nagsabi na ang pondo ng DPWH para sa 2021 ay mayroong bilyun-bilyong pisong lump sum appropriations.

Muling binanggit ni Duterte na ang karamihan sa mga project engineers sa baba ang sangkot sa korapsiyon.

Nilinis naman nito si DPWH Secretary Mark Villar na hindi na umano kailangang mangurakot dahil mayaman na.

“Karamihan diyan sa DPWH mga project engineers. Diyan ang --- sa baba ang tala... Si Villar, mayaman. Secretary Villar, maraming pera ‘yan. Hindi niya kailangan ma­ngurakot. Ang problema sa baba, malakas pa rin hanggang ngayon,” ani Duterte.

Hinikayat din ni Duterte ang mga mamamayan na tumawag at isumbong ang nalalamang korapsyon o droga sa 8888.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with