Magnitude 5.4 lindol yumanig sa Occidental Mindoro
MANILA, Philippines — Niyanig ng 5.4 magnitude na lindol ang Occidental Mindoro kahapon ng alas 4:06 ng umaga.
Ayon sa Phil. Institute of Volcanology and Seismoloy (Phivolcs) ang sentro ng lindol ay nasa may 023 kilometro timog kanluran ng Looc, Occidental Mindoro.
Tectonic ang ugat ng lindol at may lalim na 033 kilometro sa lupa.
Bunga nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity 4 sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro; at Tagaytay City.
Intensity 3 sa Mamburao, Occidental Mindoro; Muntinlupa City; Makati City; Quezon City.
Intensity 2 sa Marikina City; Malabon City; Meycauayan City, Bulacan; Floridablanca, Pampanga at Intensity I sa Mauban, Gumaca, at Lopez, Quezon; Cabanatuan City; Palayan City.
Pasado alas-9 ng umaga kahapon, ay nakapagtala na ang Phivolcs ng pitong aftershocks at asahan pa daw ang mga aftershocks.
- Latest