^

Bansa

Senior citizens, PWDs pabotohin 30 araw bago ang 2022 polls

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Dahil sa COVID-19 pandemic, isinusulong sa Kamara na pabotohin na ang mga senior citizens at mga Person With Disabilities (PWDs) 30 araw bago ang itinakdang May 9, 2022 national elections sa bansa.

Ayon kay Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong, ito’y upang maiwasang makipagsiksikan pa sa polling centers ang mga senior citizens at PWDs na lubhang delikado sa kanilang kalusugan.

Inihain ni Ong ang House Bill 7868 o ang ‘New Normal of Voting for Senior Citizens and PWDs Act of 2020’ para makaboto ng isang buwang maaga ang mga senior citizens at PWDs.

Ayon kay Ong, ang Commission on Election (Comelec) ay pinahihintulutan ang mga local at overseas absentee voters na makaboto ng dalawa hanggang 8 linggo bago ang araw ng halalan kaya dapat ay magkaroon rin ng pang-unawa sa mga PWDs at mga senior citizens lalo na at delikado ang mga itong mahawa sa COVID.

Noong 2017, bagaman wala pang pandemya ay ipinanukala na ni dating Comelec Chairman Andres Bautista na makaboto ng maaga ang mga senior citizens at PWDs ng 7 araw na maaga bago ang halalan.

Ipinunto ni Ong na ang krisis sa coronavirus ay lumalala at tinatayang aabot sa 10M senior citizens at PWDs ang delikado ang kalusugan at hindi rin dapat na ipagkait sa mga ito ang karapatan na makaboto.

vuukle comment

PWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with