^

Bansa

‘Warrantless arrest’ sa Anti-Terror Law nakapaloob sa Konstitusyon - DOJ

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Tiniyak ni Justice Undersecretary Adrian Sugay na nakapaloob sa itinatadhana ng Konstitusyon ang probisyon sa ‘warrantless arrrest’ na kasama sa katatapos lamang na ‘implementing rules and regulations (IRR)’ ng Anti-Terror Law.

Ang probisyon sa ‘warrantless arrest’ ang isa sa basehan ng petisyon na naisampa ng iba’t ibang sektor sa Korte Suprema.

Itinatadhana nito sa Anti-Terror Law na maaa­ring makulong ng hanggang 24 na araw ang isang pinaghihinalaang terorista na nadakip ng walang warrant of arrest bago dalhin sa korte.

Pinapayagan pa rin naman umano ang paglalatag ng adbokasiya, protesta, reklamo, pagtigil sa trabaho, welga, malikhain at kultural na paglalabas ng ekspresyon at iba pang karapatang sibil hanggang nasa loob ng Konstitusyon at mga pangunahing karapatan.

Ipinagbabawal lamang ang mga protesta kung ito ay magdudulot na ng kamatayan o pisikal na kapahamakan sa isang tao o panganib sa kaligtasan ng publiko, ayon pa sa opisyal.

vuukle comment

IRR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with