^

Bansa

'I hate drugs?': Duterte nasa drug business daw dapat kung hindi abogado

Philstar.com
'I hate drugs?': Duterte nasa drug business daw dapat kung hindi abogado
Litrato ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nakikipagpulong sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ika-14 ng Oktubre, 2020
Presidential Photos/Robertson Ninal

MANILA, Philippines — Bagama't kilala sa kanyang madugong "gera kontra droga," may isiniwalat si Pangulong Rodrigo Duterte sa kalagitnaan ng pulong laban sa coronavirus disease (COVID-19) — "muntik" na niyang i-negosyo ang droga sa sobrang pamilyar na rito.

Sinambit niya 'yan kahit na 5,856 na ang napapatay ng gobyerno sa anti-drug operations simula ika-1 ng Hulyo, 2016, ayon sa pinakabagong ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

"[K]uhang-kuha ko kayo. I mean, 'yung lengguwahe ninyo pati ‘yung talkatise ninyo sa loob alam ko ‘yan," sambit ni Duterte, kagabi, Miyerkules.

"Kasi kung hindi ako pumasa ng Bar [exams], nag-aral na rin ako noon paano mag-negosyo ng droga. Alam ko na pero hindi ko naituloy kasi na-abogado man ako."

Sa kabila ng "rebelasyong" ito — na maaaring i-dismiss uli bilang biro ng Palasyo gaya noon — iginigiit ng presdente na tuloy ang marahas na polisiya ng gobyerno laban sa illegal narcotics.

Ito ay kahit na sinabi na ng PDEA na tatapusin muna nila ang COVID-19 pandemic bago bumalik sa pagsasagawa ng "Tokhang" operations, o yaong pangangatok ng pinaghihinalaang drug users para hikayating isailalim sa drug abuse prevention program.

Gayunpaman, iniuugnay ito ng iba't ibang human rights groups sa pagpapatong-patong ng drug death toll.

Basahin: 'Tokhangan uli!': PDEA balik-katok sa drug areas matapos ang COVID-19 crisis

May kaugnayan: 'Kahit lockdown': Tigok sa drug war lumobo, nadagdagan ng 50%

"The policy remains. Wala akong iniiba. Basta ako pagka sinira mo ang Pilipinas, ang bayan ko, papatayin kita. Iyang sa human rights paulit-ulit akong sinasabi at sinasabi ko sa iyo, kayong mga durugista, aabutin talaga kayo ng suwerte ninyo," patuloy ng pangulo.

Sa taya ng Commission on Human Rights (CHR) nitong Disyembre 2018, nasa 27,000 na ang napapatay sa "war on drugs" — malayo sa inilalabas na estimates ng gobyerno.

Pero paliwanag ng Human Rights Watch (HRW), nananatiling konserbatibo ang official body count dahil na rin sa ilan sa pinatay kaugnay ng iligal na droga ay galing lang sa mga lehitimong operasyon ng Philippine National Police (PNP) at otoridad. Hindi binibilang dito ang mga sinasabing drug-related extrajudicial killings (EJK).

"Eh kung mabaril ka ng pulis diyan pati militar, bakit mo ako sisihin... Ginusto mo eh. Pumasok ka ng droga, that is suicide. ‘Di ba? Iyan ang simple diyan," patuloy ng pangulo.

"Kasi ang droga everyday, for God’s sake, everyday may droga araw-araw nahuhuli umaabot ng million. Million per million ‘yan everyday. So I expect the itong mga droga na nahuli, the big haul, ayaw kong makakita ng bodega na may p***** i**** droga."

Sa huling datos ng PDEA na inilabas noong nakaraan, lumalabas na 176,777 na ang naisasagawang anti-illegal drug operations ng gobyerno magmula pa noong manungkulan si Digong. Mula sa mga operasyon na ito, 256,788 na ang naaaresto.

Tinatayang P53.46 bilyon na ang kabuuang halaga ng droga at laboratory equipment sa paggawa ng illegal narcotics na nasabat ng pamahalaan.

Posted by Realnumbersph on Thursday, September 24, 2020

Sa halagang 'yan, P43.69 bilyon ang kumakatawan sa nasa 7,011.96 kilo ng shabu. Sinundan naman ito ng cocaine (523.13 kilo), ecstacy (74,502 piraso) at tuyong dahon ng marijuana (3,281.42 kilo). — James Relativo

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

RODRIGO DUTERTE

WAR ON DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with