2021 budget maipapasa ngayong buwan – Yap
MANILA, Philippines — Tiniyak ni House Appropriation Chairman Cong. Eric Yap, ng ACT-CIS party-list, na maipapasa ng mababang kapulungan ang 2021 national budget bago mag-Nobyembre.
Sinabi ni Cong. Yap na, “malinaw ang gusto ng Pangulong Rodrigo Duterte na maipasa namin ang budget para madala na ito sa Senado bago mag-Nobyembre”.
Nagpatawag ng special session ang Pangulong Digong simula Oktubre 13 hanggang 16 para talakayin maaprubahan ang budget para sa susunod na taon.
Matatandaan na biglang na-adjourn ang sesyon sa kongreso dahil sa isyu ng House Speakership, sa pagitan nina Speaker Alan Peter Cayetano at Cong. Lord Allan Velasco.
“Sisiguruhin ko na papasa ang 2021 budget sa kongreso this month at maipapadala namin ito sa senate on or before first week ng November,” pagtiyak naman ni Cong. Yap.
“Alam ko na may problem ngayon sa congress, rest assured na tatapusin namin ang usapin sa budget very soon,” hirit pa ng mambabatas.
- Latest