^

Bansa

26K contact tracers naideploy na ng DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
26K contact tracers naideploy na ng DILG
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang naturang contact tracers ay kinuha nila matapos ang pagkakasabatas ng Bayanihan to Heal As One Act (Bayanihan 2).
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 26,872 contact tracers ang nai-hire at nai-deploy ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga local government units (LGUs) upang makatuwang nila sa pagsugpo sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang naturang contact tracers ay kinuha nila matapos ang pagkakasabatas ng Bayanihan to Heal As One Act (Bayanihan 2).

Sa ilalim ng Bayanihan 2, may 50,000 contact tra­cers ang kukunin ng DILG bilang karagdagan lamang sa 97,400 contact tracers na una nang nai-deploy ng DOH sa buong bansa noong nakaraang buwan.

Mayroon pa aniyang 12,197 aplikante ang nakapagsumite na ng mga requirements at ipinuproseso na para sa employment.

Tiniyak naman ni DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya na pagkakalooban ng kumpletong personal protective equipment, medical supplies at iba pang vital necessities na kakailanganin at tatanggap ng P18,784 na minimum salary kada buwan ang mga contact tracers.

Ang contact tracers ang naatasang magsagawa ng interbyu at profiling at mag-perform ng initial public health risk assessment ng COVID-19 cases at kanilang mga close contacts.

Sila rin ang magre-refer ng mga naturang close contacts sa isolation facilities, magsasagawa ng enhanced contact tracing sa pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensiya at pribadong sektor at magmo-monitor sa kanila araw-araw, sa loob ng 14 na araw.

vuukle comment

CONTACT TRACER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with