Pork products sa 7 bansa bawal sa Pinas
MANILA, Philippines — Hindi muna papayagang maipasok sa Pilipinas ang pork meat products na nagmula sa pitong bansa na kamakailan lang natukoy na apektado na rin ng African Swine Fever.
Sa inilabas na kautusan ng Food and Drug Administration (FDA) noong Oktubre 7, 2020, pinabatid sa lahat ng food business operators na pansamantalang ipinagbabawal ang pagpasok ng anumang uri ng pork meat products na magmumula sa mga bansang Indonesia, Greece, Myanmar, Serbia, Slovakia, South Kore, at Germany.
Binalaan ng FDA ang mga importer, distributors, retail outlets at iba pang dealer ng processed pork meat products, na kung lalabag sa kautusan ay maaring maharap sa kasong paglabag sa FDA Act of 2009, Food Safety Act of 2013, at iba pang batas sa food safety.
Kasabay nito, inalis naman ng FDA ang temporary ban sa pagpasok ng pork meat products mula sa Czech Republic na apektado rin ng African Swine.
- Latest