^

Bansa

Palasyo: Huwag matakot sa 'mass vaccination' vs tigdas kahit may COVID-19

Philstar.com
Palasyo: Huwag matakot sa 'mass vaccination' vs tigdas kahit may COVID-19
Sa undated file photo na ito, makikitang tinuturukan ng bakuna ang isang bata
File

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pangamba sa coronavirus disease (COVID-19), pinahupa ng Palasyo ang takot ng mga magulang sa paparating na mass vaccination ng gobyerno kontra tigdas.

Ito ang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, Huwebes, matapos ianunsyo ng Department of Health (DOH) na pinaghahandaan nila ang malaking tigdas "outbreak" sa 2021.

Basahin: DOH: 'Matinding' tigdas outbreak pinaghahandaan sa 2021

"Naiintindihan po namin ang takot ninyo sa panahon ng COVID-19 at dahil marami kasi talagang nagkalat ng lagim sa ibang mga bakuna," ani Roque.

"Pero itong measles [vaccine] naman po, matagal na pong ginagamit 'yan, so wala naman kayong dapat ikatakot."

Matatandaang mahigit 600 bata edad 5-anyos pababa ang namatay sa tigdas (measles) sa Pilipinas sa pagitan ng 2018 hanggang 2019, ayon kay Dr. Wilda Silva, national immunization program manager ng DOH.

Dahil diyan, plano ng gobyerno na magsagawa ng MR-OPV (Measles,Rubella and Oral Polio Vaccine) supplemental immunization activity sa buong bansa, bagay na maaari raw gawin upang mapigilan ang kinatatakutang outbreak.

"All provinces and almost all cities are high risk for measles. That’s why we are planning to do a [vaccination] campaign in 2020 and 2021," pagbabanggit ni Silva nitong Miyerkules.

"Of course, we also have to take into consideration the COVID situation."

Nangyayari ito matapos katakutan ng ilang magulang ang pagpapabakuna ng mga bata kaugnay na rin ng kontrobersyal na Dengvaxia vaccine ng gobyerno, na sinisisi ng ilang grupo sa pagkamatay ng ilang estudyanteng naturukan nito.

Gayunpaman, nagkaroon ng mahigit 100% coverage ng measles vaccination noong 2018-2019 na patunay daw na nagbabalik na ang tiwala ng publiko sa pagpapabakuna.

Basahin: How the Dengvaxia scare helped erode decades of public trust in vaccines

May kinalaman: ‘No proof Dengvaxia linked to deaths of 14 kids’

"[Sa m]ga magulang, huwag po nating katakutan ang bakuna. Itong bakuna naman po sa measles, isa naman po ito sa pinakaluma, pinakamaagang ginagamit na natin," wika pa ni Roque.

"Bakit ba po natin ie-expose sa aberya ang buhay ng ating mga chikiting samantalang meron naman tayong tried and proven na bakuna laban diyan." — James Relativo

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

HARRY ROQUE

MEASLES

VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with