Duque sa mga kritiko: Pag-atake itigil na!
MANILA, Philippines — Hiniling ni Health Secretary Francisco Duque III sa mga mambabatas na itigil na ang pagbanat sa kanya at maging patas sa isyu ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) at sa halip ay itutok na lamang ang panahon sa pagtugon sa pandemic.
“All I ask is that they be fair. Some have said that because of the pandemic, I am free for all. I ask them to give me some breathing room since the attacks has been consistent since last year. Let’s focus on the pandemic and getting our country back to its feet,” ayon pa kay Duque.
Ginawa ni Duque ang pahayag matapos na mismong si Pangulong Duterte ang sumalag laban sa mga batikos kay Duque.
Sa nakaraang national address ng Pangulo, sinabi niya na maraming nag-advice sa kanya na ilaglag na si Duque, subalit masipag na opisyal umano ang kalihim at wala siyang nakikitang masamang ginawa ni Duque sa kanyang tungkulin bilang Chairman ng PhilHealth.
Ito ay sa kabila ng findings ng Senate Committee of the Whole na sangkot ang kalihim sa anomalya sa pagpapatupad ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM).
Sinabi naman ni Duque na abala siya bilang chairman ng IATF kaya pinagsisihan niya na hindi niya nalaman ang ugat ng IRM dahil ang kanyag prayoridad ang paglaban sa COVID-19 kaya hindi siya nakakadalo sa PhilHealth boards ng halos ilang buwan na.
- Latest