^

Bansa

DOH: 'Matinding' tigdas outbreak pinaghahandaan sa 2021

James Relativo - Philstar.com
DOH: 'Matinding' tigdas outbreak pinaghahandaan sa 2021
Sa undated file photo na ito, inihahanda ang isang bata na sasailalim sa bakuna kontra tigdas
File

MANILA, Philippines — Inaasahan ang outbreak ng measles sa Pilipinas pagsapit ng susunod na taon, pagbabahagi ni Department of Health (DOH), Martes.

Ito ang ibinahagi ni Dr. Wilda Silva, national immunization program manager ng DOH, sa mga reporters, dahilan para planuhin nila ang mas matinding vaccination program.

Aniya, maaaaring makaapekto pa nga ang kasalukuyang coronavirus disease (COVID-19) pandemic sa pagkalat ng tigdas, o measles.

"All provinces and almost all cities are high risk for measles. That’s why we are planning to do a [vaccination] campaign in 2020 and 2021," pagbabanggit ni Silva.

"Of course, we also have to take into consideration the COVID situation."

Sa presentasyon ng DOH, napag-alaman din na may magkakaparehong lugar pagdating sa hotspot ng measles at COVID-19 para sa taong 2019 at 2020.

Nais ng DOH na makontrol ang hawaan ng tigdas sa lalo na't naging "top exporter" — o isa sa bansang pinakanagkakalat ng tigdas overseas — ang Pilipinas ng nasabing sakit para sa taong 2018 hanggang 2019.

May kinalaman: Philippines has third highest measles rate — WHO

Lubhang nakakahawa ang measles, at madalas makapatay ng pasyente sa mga developing countries. Ayon sa World Health organization (WHO), 145,700 ang namatay sa tigdas noong 2013.

"A big outbreak is predicted in 2021... The plan is to do a nationwide MR-OPV (Measles,Rubella and Oral Polio Vaccine) supplemental immunization activity," dagdag pa ni Silva, na makapipigil daw sa mga paparating na outbreak.

Isyu ng vaccination

Naniniwala naman ang gobyerno na dahan-dahan nang bumabalik ang tiwala ng mga Pilipino sa pagpapabakuna sa kani-kanilang mga anak at mga batang inaalagaan simula nang sumadsad ito noong kasagsagan ng isyu sa Dengvaxia — bagay na isinisisi ng ilan sa pagkamatay ng ilang chikiting.

Basahin: How the Dengvaxia scare helped erode decades of public trust in vaccines

May kinalaman: ‘No proof Dengvaxia linked to deaths of 14 kids’

"You know, the measles outbreak in 2018 and 2019 kung saan nagkaroon tayo ng more than 100%  coverage sa ating nabakunahan, nag-exceed tayo sa target actually," dagdag ng DOH official.

"And this brought down the measles incidents. Very Low. ito po 'yung proof. Bumabalik na po [ang tiwala]."

Umaasa naman si Silva na sana'y tuluyan nang mapawi ang takot nang ilan sa pagpapabakuna, lalo na't umabot sa mahigit 600 na bata edad 5-anyos pababa ang namatay sa tigdas mula 2018 hanggang 2019.

"Sana po ay hindi po dahil sa takot kaya sila ay nagpabakuna... Ipinapaalam natin ang importansya [nito]," dagdag niya.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

MEASLES

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with