^

Bansa

P4.5 trilyon budget aprub sa 2nd reading ng House

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaprubahan na kahapon ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang P4.506 trilyong General Appropriations Act o ang pambansang pondo ng pamahalaan para sa 2021.

Ito’y sa gitna na rin ng gusot sa Speakership sa pagitan nina Speaker Alan Peter Cayetano at ng karibal nitong si Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velaco.

Ginawa ang pag-a­apru­ba sa House Bill (HB) 7727 o General Appropriations Bill (GAB) matapos magmosyon si Cayetano sa pagtatapos ng kaniyang privilege speech na i-terminate na ang deliberasyon sa plenaryo at aprubahan na ito sa 2nd reading.

Sa kaniyang privilege speech patungkol sa Speakership sa Kamara, sinabi ni Cayetano na ito’y upang patunayan kay Velasco na hindi niya hino-hostage ang 2021 national budget.

Kasabay ng pag-aprub sa budget ay sinuspinde na rin ang sesyon sa Kamara hanggang Nobyembre 16.

Binigyan naman ang mga Kongresista nang hanggang Nobyembre 5 upang isumite ang kanilang mga amendments sa pambansang budget. (Joy Cantos)

vuukle comment

GAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with