^

Bansa

P11-B pondo sa 2 distrito ng Taguig, inalmahan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Populasyon pinaka-maliit sa Metro Manila

MANILA, Philippines — Matapos makakopo ng P10-bilyong halaga ng proyektong pang-imprastruktura ngayong taon, makakukuha pa ang dalawang distrito ng Taguig-Pateros ng karagdagang P11 bilyong pampublikong pagawaing pondo sa ilalim ng 2021 National Expenditure Program (NEP) sa tulong ng mag-asawang House Speaker Alan Peter Ca­yetano at Mayor Lani.

Inalmahan ito ni Negros Oriental Rep. Arnulfo “Arnie” Teves sa pagsasabing bakit nakakuha ng “malaking hiwa” ng pondo para sa public works ang una at ikalawang distriro ng Taguig-Pateros na kinakatawan ng mag-asawang Cayetano ga­yong sa buong National Capital Region (NCR) ay sila ang may maliit na populasyon o 6% lang ng Metro Manila.

Sa 2021, ang Ta­guig-Pateros ay makakukuha ng kabuuang P11,113,791,000 sa ilalim ng pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH), kapwa sa central office ng NCR at district engineering office (DEO).

Batay sa 2015 census, ang pinagsamang populasyon ng Taguig at Pateros ay 868,755, habang ang kabuuang populasyon ng MM ay 12.9 million.

At sa kabuuang P25 bilyong public works budget para sa DPWH-NCR sa susunod na taon, tumataginting na P7.92 bilyon o 38 porsiyento nito ang mapupunta sa Taguig-Pateros.

Pero mas nagulat si Teves dahil ang alokasyon sa Taguig-Pateros ay mas mataas pa sa pondong inilaan ng DPWH sa bawat 15 rehiyon nito sa buong bansa.

“Mas malaki pa ang pondong nakalaan para sa Taguig-Pateros kum­para sa P7.26 billion para sa buong Region IV-A o CALABARZON na pinakamalaki sa lahat ng rehiyon maliban sa NCR,” ani Teves.

“Samantala, halos P1.39 billion lang ang nakalaan para sa buong Region XIII o Caraga. How is that fair and equitable?” kuwestiyon pa niya. 

Sinabi ng solon na bago naging House speaker si Cayetano, ang Taguig-Pateros ay nakakukuha lamang ng P2.4 bilyon at P3 bilyon sa DPWH funds noong 2018 at 2019 ayon sa pagkakasunod.

Sa ginawang deli­berasyon ng komite sa pondo ng DPWH noong nakaraang buwan, kinuwestiyon ni Teves ang aniya’y “massive allocation” sa ilang legislative districts, kabilang na ang distrito ng mag-asawang Cayetano.

 

vuukle comment

TAGUIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with