^

Bansa

Distance learning arangkada na!

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Distance learning arangkada na!
Ayon kay PNP Chief, Gen. Camilo Pancratius Cascolan, bagaman hindi naman daragsa ang mga guro at estudyante sa mga paaralan ngayong araw dahil distance learning sa anyo ng online class ang pamamaraan ng pag-aaral, inaasahan pa rin na may mga magtutungo sa mga paaralan.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad at pag-alalay sa mga guro, school personnel at mga magulang na magtutungo sa bawat paaralan para sa panimula ng distance learning.

Ayon kay PNP Chief, Gen. Camilo Pancratius Cascolan, bagaman hindi naman daragsa ang mga guro at estudyante sa mga paaralan ngayong araw dahil distance learning sa anyo ng online class ang pamamaraan ng pag-aaral, inaasahan pa rin na may mga magtutungo sa mga paaralan.

Sinabi ni Cascolan na may mga guro pa rin na posibleng magtungo sa paaralan para sa kanilang ipamamaha­ging learning module o maaaring naroon ang kanilang kagamitan sa pagtuturo.

Maging ang staff ng school ay asahan din na may magpupunta subalit limitado lamang ang bilang habang may mga magulang din na asahang kukuha ng module para sa kanilang mga anak.

Kaya naman para matiyak ang kaligtasan ng mga ito, ayon kay Cascolan ay kanilang pinaigting ang police visibility habang mayroon ding assistance centers sa mga istratehikong lugar o mga paaralan.

“Expect natin na may dagdag ng vo­lume na magtutungo sa mga paaralan kahit pa distance learning dahil tiyak na may kailangan silang kunin, kaya naman kami sa PNP ay nais naming matiyak ang kaligtasan ng ating mga guro at iba pa,” ayon kay Cascolan.

Paglilinaw naman ni Cascolan na hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa ay handa ang nasa 210,000 pulisya para sa muling pag-aaral ng mga estudyante.

vuukle comment

DISTANCE LEARNING

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with