^

Bansa

Pre-registration sa National ID sisimulan sa Oktubre 12 – PSA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pre-registration sa National ID sisimulan sa Oktubre 12 � PSA
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Assistant Secretary Rosalinda Bautista na bahagi ng Step 1 ng registration ay kapapalooban ng house-to-house ng mga piling pre-registrants para makuha ang kanilang impormasyon at maitakda ang araw para makapunta ang mga ito sa registration center.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sisimulan na sa October 12  ang unang bahagi ng mass registration para sa National ID System.

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Assistant Secretary Rosalinda Bautista na bahagi ng Step 1 ng registration ay kapapalooban ng house-to-house ng mga piling pre-registrants para makuha ang kanilang impormasyon at maitakda ang araw para makapunta ang mga ito sa registration center.

Sinabi ni Bautista na ang mga napiling pre-re­gistrants ay padre pamilya ng 5 milyong low-income households at kinilala batay sa  data na naibigay ng Department of Social Welfare and Development.

Anya, ang paunang pagtatala sa mga nabanggit ay magbabawas ng kanilang panahon sa paghihintay kapag sila ay nagtungo sa registration centers para sa Step 2 ng proseso ng pagrerehistro.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11055 o Philippine Identification System Act, magkakaroon ng sapat na impormasyon ang mamamayan na target pagkalooban ng pangunahing serbisyo ng pamahalaan.

Ang National ID System ay inaasahang malaking tulong para mapabilis ang transaksiyon sa public at private sector, enrollment sa mga paaralan at pagbubukas ng bank accounts.

vuukle comment

PSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with