^

Bansa

Online transaction fees hiling suspindihin

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umapela ang ilang senador para sa extension ng suspensyon ng transaction fees para sa mga online banking payment at money payment services.

Ito ay dahil umpisa kahapon Oktubre 1 ay may mga bangko at mobile money services ang naniningil para sa online transaction fee.

Sinabi ni Senador Sonny Angara, chairman ng Committee on Finance na malaki ang tulong para sa mga pamilyang lubhang apektado ng pandemic ang libre muna sa online transaction fee habang mayroong pandemya.

Paliwanag ni Angara, ginagawa ng gobyerno ang lahat para tulungan ang publiko sa gitna ng pandemya kaya inaasahan na tutulong din ang mga banko at mga financial institutions.

Nanawagan naman si Sen. Imee Marcos sa suspension ng transaction fees hanggang sa kalagitnaan ng 2021 o kaya ay hanggang magkaroon ng bakuna sa COVID-19.

Giit ni Marcos, tulong na ito sa publiko partikular sa mga nagbukas ng maliliit na negosyo sa gitna ng krisis.

Partikular na pinasususpinde ang minimum na P15 service charge sa money transfer, P20 over the counter at cash withdrawal gamit ang master card at ang sinisingil na 1%-2% na cash in at over the counter transactions fee para sa P80 pataas na transaksyon sa mga financial technology company.

Sinabi pa ni Marcos na mayroon ngayong 75,000 online business na nakarehistro at gumagamit ng serbisyo ng 200 financial technology company kung saan ito ang platforms para sa money lending, digital load wallet, pagbabayad ng bills at remittance.

vuukle comment

SONNY ANGARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with