^

Bansa

P1K bill na may maling pangalan ni Duterte, peke

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Peke umano ang umiikot na P1,000 pera na may maling ‘spelling’ ng apelyido ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Iginiit ng BSP na hindi isang ‘legal tender’ ang kumakalat sa social media na larawan ng mga P1,000 bill na sa halip na “ROA” ay “BOA” ang nakalagay na ‘middle name’ ng Pangulo.

Ang “Boa” ay isang uri ng malaking ahas na pumupulupot sa kaniyang pagkain at walang kamandag.

Sinabi ng BSP na ang serial number sa nag-viral na pera ay hindi tumutugma sa anumang inilabas nila na bagong P1,000 na bahagi ng “Enhanced New Generation Currency banknote.”

Gagawa umano ng aksyon ngayon ang BSP para maitama ang kumakalat na mga impormasyon ukol sa naturang banknote at maprotektahan ang integridad ng pera ng Pilipinas.

vuukle comment

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with