^

Bansa

Batanes hindi na 'COVID-free,' unang kaso naitala mula sa LSI

James Relativo - Philstar.com
Batanes hindi na 'COVID-free,' unang kaso naitala mula sa LSI
Satellite image ng probinsya ng Batanes mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang pagkakataon, nakapasok na ang kinatatakutan at nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19) ang probinsya ng Batanes, ulat ng kanilang pamahalaang panlalawigan, Martes.

"Ikinalulungkot naming ibalita sa publiko na isang (1) Locally Stranded Individual (LSI) na dumating noong nakaraang ika-22 ng Setyembre sa pamamagitan ng Philippine Air Force (PAF) ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) kahapon, ika-28 ng Setyembre," sabi ng provincial government sa Inggles.

"Ito ang pinakaunang kumpirmadong kaso ng [COVID-19] sa probinsya."

#BatanesBantayCOVID19  UPDATE September 29, 2020

Posted by Provincial Government of Batanes on Monday, September 28, 2020

Ngayon lamang napasok ng COVID-19 ang Batanes kahit na noong ika-30 ng Enero, 2020 pa unang napasok ng SARS-CoV-2 virus ang Pilipinas — halos walong buwan na ang nakakaraan.

"Kasalukuyang walang sintomas ang pasyente, ngunit bilang pag-iingat, istrikto ang pagkakahiwalay sa kanya sa Batanes Resort at mahigpit na inoobserbahan," dagdag pa ng provincial information desk ng Batanes.

Naka-quarantine naman na ang lahat ng natukoy na "close contacts" na pasyente maging ang iba pang nakasalamuhang LSI. Binabantayan na rin sila ngayon ng Provincial COVID-29 Task Group.

Nangako naman ang pamahalaan na patuloy maglalabas ng mga anunsyo sa mga developments ng pangyayari.

Pinaalalahanan naman din ng gobyerno na patuloy na pagsunod sa minimum public health standards gaya ng pagsusuot ng face masks at face shields, physical distance at pagiging malinis sa katawan.

Umabot na sa 307,288 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa pinakahuling tala ng Department of Health, Lunes. Nasa 5,381 na sa kanila ang patay. 

vuukle comment

BATANES

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with