^

Bansa

P1 bilyong educational subsidy sa mga anak ng OFWs ok na - DOLE

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
P1 bilyong educational subsidy sa mga anak ng OFWs ok na - DOLE
Inihayag ito ni Labor Secretary Silvestre Bello kasunod ng paglagda ng memorandum of agreement sa pagbibigay ng educational assistance sa pagitan ng Commission on Higher Education (CHED) at Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) Chairman Prospero De Vera III na idinaos sa Quezon City noong Biyernes.
Geremy Pintolo/File

MANILA, Philippines — Nasa 30,000 college students na anak ng mga pinauwi, nawalan ng trabaho at namatay na overseas Filipino workers ang matutulungan ng P1-bilyon scho­larship fund ng pamahalaan.

Tinawag itong “Tabang OFW,”kung saan maaring makakuha ang isang college-level dependent ng isang OFWs ng “one-time financial assistance” na P30,000.

Base sa kasunduan, ang DOLE ang magpapalabas ng orders, circulars o guideline para sa epektibong pagpapatupad ng nasabing programa, sa paggamit ng pondo, accounting at auditing rules hanggang sa pagsusumite ng reports.

Ang CHED ang magpapalabas ng pondo na P1-B habang ang UniFAST ang tutulong sa DOLE sa promotion at pagpapakalat ng impormasyon  hinggil sa aktibidad ng programa at katulong din sa pagbuo ng mga alituntunin, coverage at pamantayan sa paggamit ng subsidy sa ilalim ng programa ng Tabang OFW.

Sa kasalukuyan, mahigit 220,000 OFWs ang apek­tado ng COVID pandemic na pinauwi na lamang ng pamahalaan.

P1 bilyong educational subsidy sa mga anak ng OFWs ok na - DOLE

Ludy Bermudo

vuukle comment

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with