^

Bansa

Clinical trial ng Avigan naudlot

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Clinical trial ng Avigan naudlot
Sa paglilinaw ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na hinihintay pa nila ang pagsasapinal ng mga naturang dokumento upang masimulan ang trial sa target nilang masimulan nga­yong buwan matapos mabalam din ang unang plano na Agosto ito masimulan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hindi pa rin nasisimulan ang clinical trial ng anti-flu drug na Avigan bilang lunas sa COVID-19 dahil hindi pa kumpleto ang ilang kinakailangang dokumento.

Sa paglilinaw ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na hinihintay pa nila ang pagsasapinal ng mga naturang dokumento upang masimulan ang trial sa target nilang masimulan nga­yong buwan matapos mabalam din ang unang plano na Agosto ito masimulan.

Sinabi naman ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, na noon pang Hulyo naaprubahan ang clinical trial.

Ayon kay Domingo, ang preliminary results ay maaaring makita na sa kalagitnaan ng trial.

Maaari rin aniyang makatulong sa pagpapabilis ng registration process ng naturang gamot sa Pilipinas ang progreso ng clinical trials nito sa Japan.

Paliwanag ni Domingo, kung konklusibo na ang clinical trials sa Japan, maaari nila itong gamitin para sa pagrerehistro ng naturang produkto dito sa Pilipinas.

Nabatid na ang Avigan clinical trial sa bansa, na tatagal ng hanggang siyam na buwan, ay inaasahang lalahukan ng may 100 pasyente sa mga piling pagamutan, kabilang ang Philippine General Hospital, Sta. Ana Hospital, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital at Quirino Memorial Medical Center.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with