^

Bansa

GCQ pa rin sa Metro Manila, nais ng DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
GCQ pa rin sa Metro Manila, nais ng DOH
Sinabi ito ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire kasunod ng naging babala ng UP OCTA research team na ang posibleng pag-downgrade ng community quarantines sa bansa, partikular na sa Metro Manila, ay maaaring magresulta sa muling pagdami ng naitatalang kaso COVID-19.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng Department of Health (DOH) na panatilihin muna ang kasalukuyang General Community Quarantine (GCQ) status sa Metro Manila hanggang sa tuluyan nang matiyak na handa na nga itong mailagay sa mas maluwag na modified general community quarantine (MGCQ) status.

Sinabi ito ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire kasunod ng naging babala ng UP OCTA research team na ang posibleng pag-downgrade ng community quarantines sa bansa, partikular na sa Metro Manila, ay maaaring magresulta sa muling pagdami ng naitatalang kaso COVID-19.

Kasabay nito, iniulat naman ni Vergeire na bumaba na ang transmission rate ng virus sa bansa, gayundin ang utilization rate ng mga pagamutan at mga health facilities.

Paliwanag ni Vergeire, noong bago mag-MECQ muli ay punung-puno ng mga pasyente ng COVID ang mga pagamutan ngunit ngayon ay nakakahinga na ang mga health workers at mga pasilidad.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang paalala ng DOH sa publiko na huwag maging kampante at sa halip ay patuloy na maging maingat upang hindi mahawahan ng COVID-19, sa pamamagitan nang pagsunod sa health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan.

vuukle comment

GCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with