^

Bansa

'Tokhangan uli!': PDEA balik-katok sa drug areas matapos ang COVID-19 crisis

Philstar.com
'Tokhangan uli!': PDEA balik-katok sa drug areas matapos ang COVID-19 crisis
Tumutukoy ang Oplan Tokhang sa ginagawang pagbabahay-bahay ng otoridad sa tahanan ng mga pinaghihinalaang drug users para mahikayat silang sumailalim sa isang drug abuse prevention program.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Nakatakdang magbalik ang kontrobersyal na "Oplan Tokhang" oras na matapos ang kinakaharap na coronavirus disease (COVID-19) pandemic ng Pilipinas, pagtitiyak ng Philippine Drug Enforcement Agency, Biyernes.

Ito ang inilahad ni PDEA director general Wilkins Villanueva sa pinakahuling Real Numbers PH press conference sa Lungsod ng Quezon ngayong napag-uusapan ang updates sa drug clearing ops ng pamahalaan.

"Sa ngayon, mahirap makipagsabayan sa COVID. Right after ng COVID doon kami mag-start ng Tokhangan," wika pa ni Villanueva.

Tumutukoy ang Oplan Tokhang sa ginagawang pagbabahay-bahay ng otoridad sa tahanan ng mga pinaghihinalaang drug users para mahikayat silang sumailalim sa isang drug abuse prevention program. Nanggaling ang salitang "tokhang" mula sa mga Bisayang katagang "toktok" (pagkatok) at "hangyo" (pakikiusap).

Aniya, lubhang napabagal ang drug clearing programs ng gobyerno sa ilang pamahalaang lungsod dahil na rin sa diing ibinibigay sa pagsugpo ng COVID-19.

Sinabi 'yan ni Villanueva kahit na lumobo ng 50% ang dami ng natigok sa mga drug-related killings mula Abril hanggang Hulyo kumpara sa naunang apat na buwan, ayon mismo sa datos ng Real Numbers PH.

"Medyo bumagal ang barangay clearing operations natin dahil sa pandemic. Ang local government ay naging busy doon sa COVID, so 'yung rehabilitation program, medyo na-i-stymie. But it will not stop us from clearing barangays [of illegal drugs]," kanya pang isinaad.

"Napag-usapan namin ni chief PNP [Gen. Camilo Cascolan] na talagang didiretso sa barangay [muna ang atensyon sa anti-illegal drug ops]. Bakit? Kasi ang droga kahit saan galing, sa China man 'yan... sa Golden Triangle, galing man sa Africa, sigurado, sa baranggay lalanding."

Mahigit 20,165 na mula sa kabuuang 42,045 baranggay ang sinasabing "cleared" na mula sa droga simula nang umarangkada ang madugong kampanya ng gobyerno laban sa narcotics.

Nasa 5,856 katao naman na ang inamin ng PDEA na napatay ng gobyerno kaugnay ng illegal drug trade simula 2016 hanggang ika-31 ng Agosto. Malayo 'yan sa 27,000 figure na inilabas ng Commission on Human Rights (CHR) noon pang Disyembre 2018. — James Relativo

vuukle comment

OPLAN TOKHANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with