^

Bansa

35.5 milyong Pinoy, magtitipid ngayong Pasko – survey

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
35.5 milyong Pinoy, magtitipid ngayong Pasko � survey
Pinagsama sama ang mga bote ng plastik mula sa junk shop ang mga residente sa Brgy. Payatas, Quezon City para sa nalalapit na holiday season. Ayon sa survey, 35.5 milyong Pinoy ang handang magtipid ngayong Pasko.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Mayorya ng mga Filipino o 52% ang naka­handang maghigpit ng sinturon o magtipid nga­yong Kapaskuhan.

Batay sa bagong research ng global financial comparison website na Finder.com, 52% ng Filipino na edad 18 pababa o katumbas ng 35.5-M katao ang planong magbawas sa kanilang gastusin ng average na 31% sa Pasko.

Kumpara umano sa gastos noong nakaraang Pasko na P17,000 kada tao, nangangahulugan ito ng paggastos ng P11,781 na lang na mas mababa ng P5,219.

Dahil dito, tatamaan ang mga retailer at service provider at tinatayang P95-B ang mawawala sa kanilang kita.

Nabatid na 10 bansa ang kabilang sa naturang survey, at pumangalawa ang Pilipinas sa South Africa (56%) sa mga nagbabalak na magbawas ng gastos, pangatlo ang Hong Kongese at Indians (47%), Canadians (43%) at Irish (42%).

Kabilang naman sa pinakamababang bilang ng mga planong magtipid sa Pasko ang mga Australian (37%), Kiwis (39%) at Americans (40%).

vuukle comment

PASKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with