^

Bansa

Online learners pinababantayan sa magulang vs NPA recruitment

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinababantayan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philip­pine National Police (PNP) sa mga magulang ang kanilang mga anak na may online class sa Oktubre 5 sa posibilidad na malantad ang mga ito sa paghimok ng New People’s Army (NPA) na sumapi sa kanila.

Ayon kina AFP Chief of Staff, Gen. Gilbert Gapay at PNP Chief, Gen. Camilo Pancratius Cascolan, bagaman wala pang ulat na mayroong na-recruit sa pamamagitan ng online ay posible ring magamit ang networld sa NPA recruitment.

Kaya naman nanawagan ang mga mga opisyal ng militar at pulisya sa mga magulang na ga-ba­yan ang kanilang mga anak habang nag-aaral gamit ang computer.

Makabubuti rin na makipag-ugnayan sa guro kung kinakailangan para maging updated sa online class transaction ng anak.

Paliwanag pa nina Gapay at Cascolan na para sa seguridad ng mga kabataan ang kanilang ginagawa at kanilang haharangan ang anumang tangka na umanib ang mga estudyante sa makakaliwang grupo na maaa-ring magresulta ng pagkasira ng kanilang pag-aaral.

vuukle comment

AFP

NPA

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with