^

Bansa

8 mediamen, 2 pa muntik mabulag sa disinfecting robot vs COVID-19 sa Baguio

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sampung katao kabilang ang walong kagawad ng media ang nagtamo ng pinsala sa paningin matapos masilaw sa ultraviolet (UV) rays ng isang “disinfecting robot” na nagpapamalas ng kakayahang magpuksa ng “virus” sa isinagawang “demo” sa Baguio City Convention Center kamakalawa.

Nabatid na sumablay ang kontrol sa robot na “Keno UV-C” na naghasik ng liwanag na ikinasilaw ng mga nanonood habang nagpapamalas ito ng paraan kung paano puksain ang virus sa pamamagitan ng liwanag sa halip na gumamit ng kemikal para sa disinfection.

Bagama’t unang tiniyak na ligtas gamitin ang Keno UV-C robot kahit may tao sa paligid, nakaranas naman ng paghapdi, pamumula at pagluluha sa kanilang mga mata ang mga sumaksi sa demonstrasyon kaya agad silang isinugod sa pagamutan.

Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Robotics Activations (RA) sa pamamagitan ni Camille Anton, chief of business development sa pinsalang idinulot ng kanilang robot sa mga dumalo sa isi­nagawang demonstration.

Inako rin nila ang gastos at gamot sa pagpapasuri sa mediamen na nagkober sa lugar at mga miron.

Nabatid na nagpaha­yag ng interes ang lokal na pamahalaan ni Mayor Benjamin Magalong na kumuha ng Danish-technology robot na binansagang “Keno UV-C” ng RA upang maging katuwang sa pagsasagawa ng malawakang disinfection sa lungsod gamit ang UV light.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with