^

Bansa

HB 7665, tugon sa banta ng pagpalayas sa hindi makabayad ng upa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May tugon na sa bantang mapalayas ang mga 100,000 pamilyang hindi makabayad ng upa sa kanilang tinitirahan dahil nawalan sila ng trabaho at kita dulot ng pandemya.

Inihain na sa Kamara ni Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee, ang kanyang House Bill 7665 na tugon sa naturang banta. Batay sa 2015 ‘census’ ng Philippine Statistics Authority, mga 2.7 milyong pamilya ang nangungupahan lamang sa kanilang tirahan. Tinatayang lumobo na ito sa mga 3.1 milyon ngayong 2020.

Ayon kay Salceda ang HB 7665, o panukalang ‘Rent Relief Act of 2020,’ ay nagtatalaga ng tatlong buwang ‘moratorium’ sa pagpapalayas upang magkaroon ng sapat na panahong makapag-usap at magkasundo ang mga nagpapaupa at umuupa sa makabuluhan at patas na lunas sa problema nila.

Inaatasan ng HB 7665 ang SSS (Social Security System), GSIS (Government Service Insurance System) at Pag-Ibig Fund na magbigay ng ‘refinancing loans’ sa kanilang mga kasapi sa kaunting patubong interes lamang.

Sa ilalim ng ‘refinancing’ sa upa, babayaran ng banko ang halaga ng upa sa takdang bilang ng buwan at bibigyan ang nangungutang ng higit na mahabang panahon para bayaran ito.

Itinatalaga rin ng HB 7665 na ang ‘promissory notes’ o mga nakasulat na pangakong magbababayad ang nangungutang dapat pagbigyan ng mga pampamahalaang ahensiya sa pananalapi at ang halagang nakasaad na babayaran ay maaaring gawing pautang ng naturang ahensiya para hindi mapalayas sa tinitirahan ang umuupang nangu­ngutang.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with