^

Bansa

Pagbalik ng ‘tara’ sa BoC pinaiimbestigahan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hiniling ng mga stakeholders sa Bureau of Customs (BoC) na magsagawa ng imbestigasyon ang pamahalaan sa ulat na lumalaganap muli ang tara o payola system ng mga tiwali sa Customs sa Port of Manila (POM) at Manila International Container Terminal (MICT).

Ayon sa ulat, mula nang pumasok sa BoC si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ay nasawata at napababa na nito ang tara system o kotongan sa Pier alinsunod na rin sa mahigpit na kautusan sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na lipulin ang smuggling operations sa bansa. Una ring inutos ng Pangulo sa pagkakatalaga kay Guerrero ang “shoot to kill” sa mga drug smugglers.

Sa kabila nito, muli umanong nabuhay ang “tarahan” kung saan apek­tado ang mga broker at importer matapos na may isang grupo ang pumasok sa Customs.

Nabatid sa ulat na umaabot sa P5,000-P10,000 kada lata o container ang kinokolekta umano ng nasabing grupo sa kada bukas ng container na tatamaan ng kanilang listahan.

Nagiging gatasan din umano ang mga kargamento na may kakulangan sa papeles o mali ang deklarasyon na hinihi­ngian umano ng P150,000 hanggang P400,000 kada container.

 

vuukle comment

BOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with