^

Bansa

90 milyong Pinoys magkakaroon na ng National ID

Angie dela Cruz, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
90 milyong Pinoys magkakaroon na ng National ID
Sa budget hearing ng Senado, sinabi ni National Economic Development Authority (NEDA) Sec. Karl Kendrick Chua na ngayong taon ay siyam na milyong Filipino ang target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na maipalista.
Philstar.com/Graphics by John Nicole Villamayor

MANILA, Philippines — Maaaring magkaroon na ng national identification (ID) ang 90 mil-yong Filipino na may edad limang taong gulang pa-taas bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa taong 2022.

Sa budget hearing ng Senado, sinabi ni National Economic Development Authority (NEDA) Sec. Karl Kendrick Chua na ngayong taon ay siyam na milyong Filipino ang target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na maipalista.

Mula sa nasabing bilang, 5 milyon dito ay mula sa mga low income household na inaasahang maiisyuhan ng national ID hanggang sa Disyembre.

Habang sa 2021 ay target na mairehistro ang may 45 milyong Pinoy kabilang na dito ang 10M na head ng low income households. Ang bukod na 42 milyon ang mairerehistro sa 2022.

Prayoridad umano ang low income households para makapagbukas sila ng bank account na para sa mga ayuda na ibibigay ng gobyerno.

Ang pag-iisyu ng national ID ay alinsunod sa Philippine Identification System Act na naglala-yong magkaroon ng iisang ID sa bawat transaksyon sa gobyerno.

Sa pagdinig din sa Senado, sinabi ni National statistician Claire Dennis Mapa na sa kalagitnaan ng Oktubre ay magbabahay-bahay ang mga re-gistration officers sa may 32 lalawigan na low risk sa COVID 19.

vuukle comment

ID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with