^

Bansa

232,962 PUV drivers pabalikin na sa lansangan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 232,962 Public Utility Vehicles (PUV) drivers ang direktang naapektuhan ng COVID-19 pandemic kaya kinalampag ni DUMPER –PTDA Partylist Rep. Claudine Diana Bautista ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Regulatory Board (LTFRB) na pahintulutan ng bumiyahe ang mga ito.

Ayon kay Bautista, Vice Chairperson ng House Committee on Transportation, kulang na kulang  ang mga PUVs para makapasok sa trabaho ang mga manggagawa kaya hirap ring makausad ang ekonomiya.

Sa kasalukuyan, nasa mahigit 17,000 tradisyunal na jeepney lamang ang bumibiyahe sa mga lansangan habang ang mga modern jeepney ay bihira at kulang na kulang sa mga commuters na nag-aagawang makasakay at nahuhuli sa trabaho dahil sa physical distancing.

Binigyang diin ni Bautista ang pangangailangan para sa karagdagang PUV operations sa mga lansangan para matulungan hindi lamang ang mga nagugutom na pamilya ng mga drivers kundi maging ang mga commuters lalo na ang mga naghahanapbuhay.

Anya, mayorya sa mga PUV drivers ang nawalan ng hanapbuhay habang ang iba pa ay napilitan ng mangalakal ng basura at mamalimos sa lansangan.

vuukle comment

PUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with