^

Bansa

Mga guro bibigyan ng WiFi allowance

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Plano ng Department of Education (DepEd) na bigyan ng buwanang WiFi connectivity at communications allowance ang kanilang mga guro at personnel ngayong nagpapatupad ng blended learning methods ang bansa, dahil sa banta ng COVID-19.

Inabisuhan na ni Education Undersecretary Alain Pascua ang regional, division, at school employees na i-register at i-update ang kanilang impormasyon sa DepEd Commons Account para mapaghandaan ng ahensiya ang pamimigay ng connectivity allowance.

Ayon kay Pascua, kailangang ilagay ng mga empleyado ang kanilang contact details at mobile internet network provider na gusto nilang gamitin para sa online teaching. Ang mga nakarehistro at naka-activate lang ang accounts ang mabibigyan ng allowance sa sanda-ling maipatupad na ito.

Binigyan ng DepEd ang mga guro at personnel ng hanggang Setyembre 21 para makapagrehistro.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with