^

Bansa

Online class suspendido ‘pag may bagyo – DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Online class suspendido �pag may bagyo � DepEd
Sa isang virtual briefing, sinabi ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio na kadalasang nagkakaroon ng brownout o pagkawala ng suplay ng kuryente kapag may bagyo kaya’t tiyak aniyang masususpinde rin ang pasok ng mga bata.
Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Maaari pa ring masuspinde ang klase ng mga mag-aaral kung panahon ng bagyo, kahit pa online o distance learning na ang ginagamit ngayon spagtuturo, dahil sa posibilidad na mawalan ng suplay ng kuryente.

Sa isang virtual briefing, sinabi ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio na kadalasang nagkakaroon ng brownout o pagkawala ng suplay ng kuryente kapag may bagyo kaya’t tiyak aniyang masususpinde rin ang pasok ng mga bata.

Ayon pa kay San Antonio, kung siya ang tatanungin ay dapat na walang pasok ang araw ng bagyo o yung panahong nagre-restore pa ng kuryente.

Nauna rito, nagpasya ang DepEd na magkaroon na lamang ng distance learning sa bansa upang maipagpatuloy pa rin ang pag-aaral ng mga bata kahit pa may COVID-19 pandemic sa bansa.

Hindi rin sinang-ayunan ng DepEd ang panawagan ng ilang grupo na magkaroon ng academic freeze sa bansa dahil sa pandemic.

Sa ngayon ay nasa mahigit 24 milyon na ang enrollees para sa School Year 2020-2021.

Inaasahan namang ma­daragdagan pa ang natu­rang bilang dahil tiniyak na ng DepEd na tatanggap pa sila ng late enrollees hanggang sa Nobyembre.

Ang mga estudyante sa mga pribadong paaralan ay nagbalik-klase na nitong Agosto, habang sa mga pampublikong paaralan sa bansa ay nakatakda sa Oktubre 5.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with