^

Bansa

P8 bilyong pondo ng OP aprub na sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa loob lamang ng halos dalawang oras, ina­prubahan na sa House Committee on Appropriations ang P8.238 bilyong 2021 national budget ng Office of the President (OP).

Ito’y sa gitna na rin ng pagkuwestiyon ng Makabayan bloc solons sa confidential fund at intelligence fund ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na aabot sa P4.5 bilyon.

Ang interpelasyon ng Makabayan bloc ang nagpatagal ng delibe­rasyon dahil sa pagbusisi ng mga ito sa pondo ng OP partikular ang umano’y napakalaking confidential at intelligence funds na dapat ay inilaan na lamang sa pagbili ng Personal Protective Equipments (PPEs).

Sa mga nakalipas na taon ay 10 minuto lang ang itinatagal ng deli­berasyon sa panukalang pondo ng OP at walang interpelasyon.

Noong 2018 dahil sa pinairal na ‘courtesy’ ay tatlong minuto lamang ang itinagal ng delibe­rasyon sa panukalang badyet ng tanggapan ni Pangulong Duterte.

 

vuukle comment

KAMARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with