^

Bansa

DOH: 'Nationwide' closure ng mga sementeryo sa Undas baka irekomenda

Philstar.com
DOH: 'Nationwide' closure ng mga sementeryo sa Undas baka irekomenda
Larawan ng Manila North Cemetery noong Setyembre 9, 2020.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng Department of Health (DOH) ang desisyon ng Metro Manila mayors na isara ang lahat ng sementeryo sa Kalakhang Maynila pagsapit ng Undas para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) — dahilan para pag-isipan ng tanggapang irekomenda ito para sa buong bansa.

"Actually, ang ginawa ng mga Metro Manila mayors... good practice 'yan ano. Kasi alam naman natin na kapag Undas... 'yung mga tao talagang siksikan sa mga sementeryo. And that is mass gathering already and we would like to prevent that," pagbabahagi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa reporters, Lunes.

"[O]o, maaari nating irekomenda 'yan [sa buong bansa]."

Bilang alternatibo, maaari naman daw na bumisita na sa sementeryo pakonti-konti ang mga pamilya ngayon pa lamang, gaya na rin ng sinabi ng Metro Manila mayors, upang maiwasan ang pagkukumpol-kumpol ng mga tao pagsapit ng Araw ng mga Patay — bagay na maaari pa raw pagmulan ng COVID-19 infections.

"'Pag dumating 'yung panahon na 'yan, maaaring makapag-recommend din tayo so that it could be implemented across the country," wika pa ni Vergeire.

Kahapon lang nang kumpirmahin ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Jojo Garcia Jr. ang desisyon ng lahat ng alkalde ng National Capital Region (NCR) sa nalalapit na paggunita ng All Saints' at All Souls' Day habang pinaplantsa pa ang pagbabalangkas ng uniform guidelines.

Basahin: Metro Manila mayors ok closure of cemeteries for Undas

'Yan din ang sambit ni Parañaque mayor Edwin Olivarez, chairperson ng Metro Manila Council (MMC), sa hiwalay na panayam ng GMA News ngayong araw.

"Ang pinagpulungan kahapon ay magkaroon ng uniform na policy sa darating na Undas. Iko-close 'yung ating mga cemetery, public and private, mula po ng October 29 hanggang November 4," ani Olivares.

"Pagpunta po nila [sa sementeryo], atin pong paiiralin ang ating minimum health protocol. 'Yung pagsusuot ng face mask at face shield, pati 'yung [physical] distancing."

Bagama't isasara sa publiko ang mga sementeryo ngayong Undas, inilinaw naman ni Olivares na "pagbisita" lang daw ang kanilang ipagbabawal at tuloy pa rin ang mga libing at cremation.

'Trick or treat,' iba pang ipagbabawal

Maliban sa cemetery closures, ilang aktibidad din ang pagbabawalan ng ilang lungsod sa Metro Manila bilang pag-iingat na rin mula sa pagkalat ng nakamamatay na pandemya.

Sa San Juan City, sinabi na ni Mayor Francis Zamora na ipagbabawal niya ang lahat ng "trick or treating" at Halloween activities sa kanilang siyudad, alinsunod na rin ng ipinasa niyang Executive Order 49 kahapon.

Sakop ng kautusan ni Zamora ang mga gated subdivision, condominiums, parke at mga mall.

Sa Marikina City naman, sinabi ni Mayor Marcelino Teodoro na kinakailangang kumuha ng mga "passes" mula sa pamahalaang lungsod para malimitahan ang mga tao sa sementeryo, bagay na papayagan lang daw mula ika-15 hanggang ika-30 ng Oktubre at mula ika-3 ng hanggang ika-30 ng Nobyembre.

"Early preparation is necessary in order to give the LGUs, the local police and other concerned agencies enough time to come up with the best plans to protect the people from infection," sabi ni Philippine National Police deputy director for administration Lt. Gen. Guillermo Eleazar.

Sa huling ulat ng DOH noong Linggo, aabot na sa 261,216 ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 4,371 na ang patay. — James Relativo at may mga ulat mula kay The STAR/Neil Jayson Servallos

vuukle comment

ALL SAINTS' DAY

ALL SOULS' DAY

CEMETERY

DEPARTMENT OF HEALTH

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with