^

Bansa

DFA pinakikilos sa kaso ng Pinoy immigrant sa Australia

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
DFA pinakikilos sa kaso ng Pinoy immigrant sa Australia
Sinabi ni Sen. Imee Marcos,na hindi tama na ang consulate sa Sydney, Australia ay magbigay lamang ng listahan ng mga abogado at panoorin lamang ang paglilitis ni Inocencio “Coy” Garcia at makulong dahil lang sa kasong unlawful broadcast at publish child names.
Released/DFA

MANILA, Philippines — Pinakikilos ng ilang senador ang Department of Foreign Affairs (DFA)para tutukan ang kaso ng isang Pinoy na nata­ngayan ng dalawang anak at pinakulong sa bansang Australia.

Sinabi ni Sen. Imee Marcos,na hindi tama na ang consulate sa Sydney, Australia ay magbigay lamang ng listahan ng mga abogado at panoorin lamang ang paglilitis ni Inocencio “Coy” Garcia at makulong dahil lang sa kasong unlawful broadcast at publish child names.

Ang anak ni Garcia na may edad na 3 at 2 ay dinukot umano noong Setyembre 23, 2014 sa kanyang bahay sa Mt.Druitt, Sydney ng mga tauhan ng social workers doon habang siya ay nasa trabaho.

Dahil dito kaya umapela si Marcos sa DFA na tutukan ang kaso ni Garcia habang hiningi na rin niya ang mga dokumento para mapag-aralan at maibigay ang lahat ng tulong legal para sa kababayan.

Nauna na rin lumiham kay DFA secretary Teodoro Locsin Jr, sina Senators Bong Go at Ramon Revilla Jr para tulungan si Garcia.

Subalit hanggang ngayon ay wala pa uma­nong tumutulong mula sa Konsulado ng Pilipinas sa Sydney, 10 araw na matapos mahatulan ng pagkakulong si Garcia.

vuukle comment

DFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with