^

Bansa

DepEd, nanindigan na walang academic freeze

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DepEd, nanindigan na walang academic freeze
Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, hindi maaaring maantala ang edukasyon ng mga bata dahil mahuhuli sila sa mga estudyante sa ibang parte ng mundo.
Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Nanindigan ang Department of Education (DepEd) sa pasya nito na walang magaganap na academic freeze sa bansa.

Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, hindi maaaring maantala ang edukasyon ng mga bata dahil mahuhuli sila sa mga estudyante sa ibang parte ng mundo.

Iniulat din niya na sa ngayon ay nasa 80 porsiyento na ang kahandaan ng DepEd sa pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.

Mahigit na rin sa 24 milyong estudyante ang nakapagpatala para sa School Year 2020-2021 kahit pa may pandemic ng COVID-19.

Nauna rito, nanawagan ang ilang grupo na magpatupad ng academic freeze dahil sa pandemya.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with