^

Bansa

Globe nagtayo ng 32 towers sa Quezon City

Pilipino Star Ngayon
Globe nagtayo ng 32 towers sa Quezon City
Ang kompanya ay naglagay ng 32 bagong towers sa ilang pangunahing barangays sa Quezon City sa nakalipas na tatlong buwan.
STAR/ File

QUEZON CITY, Philippines — Bukod sa agresibong network rollout sa mga lalawigan, pinalawak din ng Globe ang kakayahan at connectivity nito sa Quezon City.

Ang kompanya ay naglagay ng 32 bagong towers sa ilang pangunahing barangays sa Quezon City sa nakalipas na tatlong buwan.

Ayon kay Joel Agustin, Globe Senior Vice President for Program Delivery, Network Technical Group, sakop ng bagong instalasyon ang malalaki at siksikang barangays sa Quezon, kabilang ang Tandang Sora, Matandang Balara, Pinyahan, Ramon Magsaysay, Santa Lucia, Balong Bato, Batasan Hills, Commonwealth, Doña Josefa, Escopa IV, Gulod, Kamuning, Loyola Heights, N.S. Amoranto at Nagkaisang Nayon.

Nagtayo rin ng towers sa North Fairview, Paltok, Quirino 2-A, San Agustin, San Isidro, Sangandaan, Santa Cruz, Santo Niño, Tatalon at sa UP Campus sa Diliman.

Ang Quezon City ang pinakamalaki at pinakamataong lungsod sa Metro Manila, gayundin sa buong bansa.

Nagsagawa rin ang Globe ng upgrade sa may 635 lugar upang suportahan ang LTE capacity nito at palawakin ang coverage para matugunan ang mga pangangailangan ng mga customer nito sa lungsod.

vuukle comment

GLOBE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with