^

Bansa

Hotels sa GCQ puwede nang tumanggap ng mas maraming guests

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Hotels sa GCQ puwede nang tumanggap ng mas maraming guests
Ang desisyon ay kasunod ng ginawang pagluluwag ng gobyerno sa lockdown measures upang mas mapasigla pa ang ekonomiya.
Pixabay/David Lee

MANILA, Philippines — Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga hotel sa lugar na nasa general community quarantine (GCQ) na tumanggap pa ng mas maraming panauhin sa ilalim ng “specialized programs.”

Ang desisyon ay kasunod ng ginawang pagluluwag ng gobyerno sa lockdown measures upang mas mapasigla pa ang ekonomiya.

Nauna rito, pinayagan ng gobyerno ang pagpapatakbo ng hotel sa mga lugar ng GCQ na tanggapin ang mga banyagang guests na una ng nag-book mula Marso 17, 2020 para sa Luzon at Mayo 1, 2020 para sa iba pang mga lugar.

Pinayagan din ang mga guests na may long term bookings; distressed OFWs at stranded Filipinos o foreign nationals; mga bumalik na OFWs; mga hindi OFW na kinailangang sumailalim sa quarantine at mga healthcare workers.

Ang industriya ng turismo ay isa sa mga sektor na lubhang naapektuhan ng coronavirus pandemic matapos higpitan ng gobyerno ang mga community quarantine upang maiwasan ang mabilis na pagkalat ng sakit.

Sa mga lugar ng GCQ tulad ng Metro Manila, ipinagbawal ng gobyerno ang operasyon ng turismo bilang pag-iingat laban sa pagkalat ng COVID.

 

vuukle comment

GCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with