^

Bansa

Intel fund ng OP bubusisiin ng Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bubusiin ng Senado ang umano’y masyadong malaking intelligence fund ng Office of the President para sa 2021 national budget.

Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson, panahon na para tanungin sa Office of the President kung paano nila ginagamit ang kanilang intelligence fund dahil wala itong liquidation.

Base sa National Expenditure Program (NEP) para sa susunod na taon, naglaan ng P4.5 billion para sa confidential and intelligence expenses sa ilalim ng tanggapan ng Pangulo.

Ayon pa sa Senador, ang confidential at intelligence funds sa ilalim ng OP ay nagsimula lamang sa P700 milyon sa mga nakaraang administrasyon subalit inabot na ito ng bilyun-bilyong piso nang maglaon.

Nais ni Lacson na pag-aralang mabuti ang panukalang budget dahil umakyat na sa P9.16 trillion ang utang ng bansa at masiguro kung saan mapupunta ang pondo ng bayan lalo ngayong nasa gitna tayo ng COVID pandemic.

 

vuukle comment

FUNDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with