^

Bansa

DOF pinagpapaliwanag sa P1.86 trilyong utang ng Pinas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
DOF pinagpapaliwanag sa P1.86 trilyong utang ng Pinas
Nitong Agosto 28 ay iniulat ni Budget Secretary Wendel Avisado na nagpalabas ang kaniyang departamento ng kabuuang P389 bilyon para sa COVID-19 response.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pinagpapaliwanag ng House Committee on Public Accounts ang Department of Finance (DOF) sa P1.86 trilyong utang ng pamahalaan mula Enero hanggang Hulyo ng taong ito.

Ayon sa komite, hindi maintindihan ng maraming tao kung bakit kaliwa’t kanan ang utang ng gobyerno mula sa ibang bansa at maging sa domestic lenders para ipandagdag umano sa pondo sa paglaban sa COVID-19.

Nitong Agosto 28 ay iniulat ni Budget Secretary Wendel Avisado na nagpalabas ang kaniyang departamento ng kabuuang P389 bilyon para sa COVID-19 response.

Kabilang dito ang P266.53 bilyon para sa hindi pa natatapos na mga proyekto, aktibidad at mga programa.

Sa ilalim ng 2019 at 2020 budgets, nasa P102.06-B ang para sa Special Purpose Funds at P20.48-B sa regular na gastusin ng ahensya.

Samantala sa P389 bilyon, P211-B ang ginamit sa dalawang yugto ng pinansyal na tulong para sa 18M low income families na nagkakahalaga ng P5,000 – P8,000 sa ilalim ng Bayanihan 1.

Hinikayat din ng komite ang Department of Budget and Management na tukuyin kung anu-ano ang nasabing mga proyekto, aktibidad at programa na pinagkagastahan.

vuukle comment

DOF

HOUSE COMMITTEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with