200 teacher-broadcaster hanap ng DepEd
MANILA, Philippines — Naghahanap ng 200 teacher-broadcaster ang Department of Education upang mag-produce ng mga episode para sa kanilang ‘DepEd TV,’ kung saan ihahatid ang mga aralin sa mga bata, sa pamamagitan ng telebisyon.
Sinabi ni Education Undersec. Alain Pascua, nasa 100 pa lamang ang nakukuha nila at nangangailangan pa ng 200 para makagawa na ng mga episode sa DepEd TV.
Aminado ang DepEd na mahirap makapili ng teacher-broadcaster dahil kahit eksperto ang mga guro sa kanilang subject matter, kailangang kaya rin nitong magturo sa harap ng kamera.
Nasa 130-200 episodes ng mga TV lecture ang kailangang i-produce ng mga teacher-broadcaster kada isang linggo, o hanggang limang episode kada guro.
Ang School Year 2020-2021 ay nakatakda nang magsimula sa Oktubre 5.
- Latest