^

Bansa

Paglaya ni Pemberton pinoproseso na ng BuCor

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaasikaso na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagpapalaya kay US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton na binigyan ng ‘absolute pardon’ ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tiniyak ni BuCor spokesperson Gabriel Chaclag na walang ‘special treatment’ na ibibigay kay Pemberton at ihahalintulad siya sa ordinaryong inmate.

“Kung ano yung mga process doon sa mga pardon at parole at mga lumalaya ay ganun din po yung ating gagawin. Only that we have to consider all implications ng ating ginagawa dahil itong PDL na to covered nga siya ng ibang agreements,” ayon kay Chaclag.

Kasalukuyang hinihintay pa ng BuCor ang mga papeles ng ‘release order’ buhat sa korte at ang orihinal na kopya ng pardon niya. Sa Biyernes ay maaaring magbalik-Amerika na si Pemberton.

Kahit na tumatagal ng ilang araw ang proseso nito, sinabi ni Chaclag na pipilitin nilang mapadali para agad nang matapos.

vuukle comment

BUCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with