^

Bansa

P283 milyon ilalaan ng gobyerno sa Virology Institute vs COVID-19

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Paglalaanan ng gob­yerno ng P283 milyon mula sa P4.506 trilyong 2021 national budget ang lilikhaing ‘‘Virology Institute of the Philippines’’ o VIP na magiging ‘‘research center’’ sa paghanap ng gamot laban sa COVID-19 at iba pang mga virus.

Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, House Ways and Means Committee chairman at may-akda ng VIP bill (HB 6793), nasa research and development ang hinaharap ng ekonomiya ng Pilipinas at nakikita natin ang mahalagang papel na gagampanan ng VIP.

Inihalimbawa ni Salceda na ang abaka ay ma­bisang surgical mask filter habang ang virgin coconut oil ay sinasabing may maselang ‘‘therapeutic potential’’ laban sa mga ‘‘throat virus’’ at ang ‘‘metals extractive industry’’ ay marami rin ang maidadagdag sa mga tek­nolohiya laban sa sakit.

“Mahahalagang dahilan ito para maihanda natin ang VIP sa kailangang pagpaplano kahit itinatatag pa lamang ang mga pasilidad nito,” dagdag ng mambabatas na siya ring may-akda at unang nagpanukala sa paglikha ng ‘Center for Disease Control and Prevention’ (CDCP) na isinusulong niya.

Itinalagang prayoridad ni Pangulong Digong ang HB 6096 sa nakaraang SONA niya.

“Kahit bago pa ang COVID-19, maraming tahimik na epidemya na ang pumapatay sa mga kababayan natin -- HIV-AIDS, TB at polio na mu­ling sumingaw. Pati ‘diphtheria’ at ‘cholera’ ay nananalasa na naman sa ilang bahagi ng bansa. Dapat nating tugunan ito,” madiin niyang sinabi.

vuukle comment

VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with