^

Bansa

PhilHealth officials madidiin sa anomalya - Sotto

Pilipino Star Ngayon
PhilHealth officials madidiin sa anomalya - Sotto
Giit ni Senate President Vicente Sotto, masyadong halata ang fin­dings nila at ang kanilang rekomendasyon na sampahan ng kasong criminal at administratibo ay maipa-file.
Senate PRIB/Henzberg Austria

MANILA, Philippines — Tiwala si Senate President Vicente Sotto III na lahat ng mga opisyal ng Philippine Health Insu­rance Corp. (PhilHealth) ay madidiin sa mga kasong inirekomenda ng Senado.

Giit ni Sotto, masyadong halata ang fin­dings nila at ang kanilang rekomendasyon na sampahan ng kasong criminal at administratibo ay maipa-file.

Nauna nang inirekomendang kasuhan ng Senate Committee of the Whole na kasuhan si Health Secretary Francisco Duque III, ex-officio chairman ng PhilHealth board gayundin ang nagbitiw na si chairman Ricardo Morales at iba pa dahil sa umano’y illegal na implementasyon ng interim reimbursement mechanism o IRM.

Iginiit ng Senate president na hindi naman kung sinu-sino lang o sila-sila lang ang basta-basta nag- imbestiga dahil mayroon umano silang magagaling na imbestigador tulad ng dating chief of police at dating kalihim ng Department of Justice na dating executive secretary na kasama sa nagrekomenda ng mga kaso.

Idinagdag pa ni Sotto na conservative at mabait pa sila sa naging rekomendasyon nila at ang isinama lang nila at tala­gang matibay ang kanilang posisyon.

Sa kabila nito, ipinapaubaya pa rin nila sa De­partment of Justice (DOJ) na magpursige ng iba pang detalye na silang magsasampa ng kaso sa mga opisyal ng PhilHealth dahil mas malalim ang imbestigasyon nila dahil na rin sa magagamit nila ang National Bureau of Investigation (NBI).

vuukle comment

PHILHEALTH

VICENTE SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with