^

Bansa

Tiwala ng publiko sa PhilHealth ibabalik ko – Gierran

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Tiniyak ng bagong talagang pangulo at CEO ng Philippine Health Insurance Corp. na si ex-NBI chief Dante Gierran na ibabalik niya ang tiwala ng publiko sa PhilHealth sa kanyang pag-upo sa pwesto.

Aminado si Gierran na bagama’t alam niyang mahihirapan siya sa panibagong posisyong iniatang ni Pang. Rodrigo Duterte sa kanyang balikat ay hindi niya ito natanggihan dahil ang magbebenepisyo sa PhilHealth ay ang mga mamamayan.

Pinasalamatan din naman ni Gierran ang Pangulo dahil sa ipinagkaloob nitong tiwala sa kaniya.

Pagtiyak pa niya, gagawin niya ang lahat upang maibalik ang tiwala at kumpiyansa ng mga tao sa PhilHealth.

Kabilang aniya sa tututukan niya ay ang tunay na halaga ng pondong natira pa sa PhilHealth.

Si Gierran ay isang abogado at certified public accountant.

vuukle comment

CEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with