^

Bansa

Duterte inutusan ang PNP 'wag tumulong sa probe ng 89 aktibistang pinatay — CHR

James Relativo - Philstar.com
Duterte inutusan ang PNP 'wag tumulong sa probe ng 89 aktibistang pinatay � CHR
Nakataas ang kamao ni Erlinda Echanis, misis ng pinaslang na chairperson ng Anakpawis na si Randy Echanis, habang humihingi ng katarungan, ika-11 ng Agosto, 2020
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Iginiit ng Commission on Human Rights, Biyernes, na hindi lang ang coronavirus disease (COVID-19) ang may ginampanang papel sa pagpapabagal ng imbestigation sa 89 na aktibista't rights defenders na pinaslang — pati rin daw si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng ANC, sinabi ni CHR Commissioner Leah Tanadra-Armamento na hindi sila binibigyan ng mga kopya ng police reports sa mga nasabing pagpaslang, dahilan para magpatuloy sila sa probe nang wala ang mga ito. 

"Unfortunately, there is an order from the president himself not to give the Commission on Human Rights the data," ani Armamento.

"[A]t the moment, we cannot rely on the [Philippine National Police] to cooperate with us."

Kahit paano, nakikipag-ugnayan pa raw kasi ang PNP sa CHR noong si Sen. Ronald "Bato" dela Rosa pa ang hepe nito. Gayunpaman, naputol daw ito nang magretiro siya sa serbisyo taong 2018 nang tumakbo siya sa pulitika.

Wika pa ni Armamento, may kahirapan sa pagkilos ngayon ang mga CHR investigator sa bunsod ng mga lockdown na magpapahupa sana sa pagkalat ng COVID-19. Limitado tuloy ang kanilang pagsisiyasat at pagkilos.

"We haven’t finished all of our investigations because there are gaps that we cannot determine. It has not progressed even to the prosecutor’s office... because we don’t have enough evidence," sambit pa ng CHR commissioner.

Umabot na sa 89 ang sinisilip nilang pagpatay na nangyari mula 2017 hanggang 2019 — labas pa sa mga sariwang biktima ng pagpatay sa mga progresibo't human rights advocates sa mga nakalipas na buwan ng 2020. Pare-parehong tinitiktikan diumano at iniuugnay ng gobyerno sa mga rebeldeng komunista ang mga nabanggit.

Ligal ang pagiging miyembro ng Communist Party of the Philippines ngunit iligal ang armadong rebelyon ng kanilang hukbo na New People's Army.

Isang linggo pa lang ang nakalilipas nang pagsasaksakin hanggang mamatay ang chairperson ng Anakpawis party-list at NDFP consultant na si Randy Echanis, habang pinagbabaril pa lang nitong Lunes ang Bacolod-based human rights activist na si Zara Alvarez.

'Torture,' pagpapatagal sa bagong activist killings?

Kanina lang din nang sabihin ni forensic pathologist Raquel Fortun na hindi agad pinatay si Echanis, at pinahirapan muna nang matagal bago tuluyang birahin ng "fatal" na pananaksak. Gayunpaman, labas raw sa kanyang tungkulin ang pagkumpirma ng torture.

"The implication [of torture] seems to be there, that if literally torture means suffering was inflicted, in this sense, physical suffering, it looks like he sustained a lot of injuries first that were not intended to kill him outright," ani Fortun.

"I would say na mukhang totoong binaon and again that would be indicative of deliberateness."

Basahin: Echanis sustained multiple wounds before fatal stab in heart — forensic pathologist

Ayon kay Fortun, matagal na nilang nire-request na makuha ang katawan ni Echanis upang masimulan ang autopsy — sa mismong araw araw ng pagkakamatay. Pero nagkaroon ng kahirapan sa pagbibigay ng katawan sa dahilang pinipilit ng PNP na bangkay ito ng isang "Manuel Santiago."

'Yan ay kahit na ilang araw nang tinukoy ni Erlinda Echanis, misis ng biktima, na labi ito ng kanyang asawa. Tumagal tuloy nang tatlong araw ang agawan at paglilipat-lipat ng kostodiya ng katawan, maging ang pagsisimula ng sariling imbestigasyon ng Department of Justice.

"It’s very frustrating. I fear the worst which is the physical evidence on the scene could have been wasted because it was not seen properly, it was not documented," sambit ni Fortun. 

May kinalaman: QCPD acknowledges body that widow identified days ago is Randy Echanis'

Nakatakda na ring simulan ng DOJ ang kanilang imbestigasyon sa pagpatay kay Alvarez. Tinatayang aabot daw sa isang buwan bago makapaglabas ng inisyal na resulta rito ang kagawaran.

Una nang idiniin ng iba't ibang grupo gaya ng Karapatan ang mga pagpaslang sa estado, pero pinabulaanan ito ng Palasyo.

"Blaming state forces as the people behind these murders is unfounded as investigation on the killings... is now underway. Let us wait for the formal report from the authorities," ani presidential spokesperson Harry Roque.

"We denounce any form of violence perpetuated against citizens, including activists. We are a nation of laws; and violence has no place in any civilized society."

Hindi naman kinagat ng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ang pahayag ni Roque at tinawag pa itong "insincere," lalo na't "napilitan" lang daw silang magsalita dahil sa galit ng publiko. — may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag

vuukle comment

ACTIVISM

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS

EXTRAJUDICIAL KILLING

HUMAN RIGHTS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with