^

Bansa

Bayanihan 2 aprub na sa bicam

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bayanihan 2 aprub na sa bicam
Sinabi ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate panel sa bicam, na ang inaprubahan nilang budget para sa Bayanihan 2 ay P165 bilyon.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Aprub na sa bicameral conference committee ang reconciled version ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Sinabi ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate panel sa bicam, na ang inaprubahan nilang budget para sa Bayanihan 2 ay P165 bilyon.

Ang 140 bilyon dito ay kaagad na mapopondohan habang standby fund naman ang P25 bilyon na ang ibig sabihin ay mapopondohan ito kapag nagkaroon na ng bagong savings o karagdagang buwis ang gobyerno.

Ayon kay Angara, katulad sa Bayanihan 1, sa Bayanihan 2 ay mabibigyan din ng emergency powers ang Pangulo dahil nasa emergency situations pa rin ang bansa dahil sa COVID-19.

Maituturing din umano itong batas para sa survival at recovery ng bansa mula sa pandemya.

Sa P165 bilyon na budget, ang 25% budget o mahigit P40 bilyon ay para sa health sectors at magkakaroon ng P10,000 kada buwan na special risk allowance ang bawat private at public health workers at P15,000 kapag nagkaroon sila ng mild at moderate na COVID-19 infections.

Bukod dito, magkakaroon din ng P1 milyon kapag namatay ang health workers at P100,000 naman sa magkakaroon ng severe infection ng COVID-19.

Sa P165 bilyon budget ay kukunin din ang P5 bilyon para sa contract tracing, P8.9-B para sa additional funds sa edukasyon, P4.5-B para sa isolation and quarantine facilities, field hospitals at dormitories para sa frontliners.

Gayundin ang P3-B para sa PPE procurement, P13-B assistance sa displaced workers, P9.5-B sa transportas­yon at P10-B standby funds sa COVID-19 testing.

Hindi naman tulad sa Bayanihan 1, ang mabibigyan na lamang ng Social Amelioration Program na P5,000-P8,000 ay ang mga apektadong low income family sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine o hard lockdown at sa pamilya ng mga pinauwing OFWs.

Hanggang Disyembre 19, 2020 ang bisa ng Bayanihan 2.

Kahapon ay niratipikahan na rin ng Senado ang panukala.  — Joy Cantos

vuukle comment

SONNY ANGARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with